Ang
Sampung Pinakamatagumpay na Pagsasakontemporanyo ng ABS-CBN ng mga Lumang
Teleserye
Mula sa http://vignette2.wikia.nocookie.net/abscbn/images/5/54/ABS-CBN_logo.svg.png/revision/latest?cb=20130224005135 |
Hindi
maitatangging uso sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ang muling
pagsasabuhay ng mga lumang soap opera. Ang ABS-CBN na isa sa mga
nangungunang TV Networks sa ating bansa ay naging matagumpay sa paggawa ng mga
ganitong palabas.
Matagal-tagal
naming pinag-isipan kung alin nga ba sa napakaraming dramang muling ginawa ng
ABS-CBN ang siyang pinaka.
Malaking
salik sa pagiging matagumpay ng pagsasakontemporanyo ang pagkamalikhain ng mga
direktor, manunulat at ang lahat ng mga kawani. Makatutulong ang pagkamalikhain
sa pagbibigay ng moderno at mas patok na dating sa isang lumang drama.
Epektibo
ba ang ebolusyon ng balangkas, mga tauhan at tema?
Nagampanan
ba nang maigi ng mga aktres at aktor ang mga tauhang kanilang isinabuhay?
Ginawa
naming batayan ang mga tanong sa pamimili ng pinakamahusay na kontemporanyong
teleserye.
Matapos
ang mahabang pagninilay-nilay, Heto na ang Sampung Pinaka -Pinakamatagumpay
na Pagsasakontemporanyo ng ABS-CBN ng mga Lumang Teleserye !
10.
Pangako Sa 'Yo
|
|||||||
Hindi
pa man tapos ang seryeng ito, karapat-dapat na itong mapabilang sa listahan
dahil sa 'di matatawarang kahusayang ipinamamalas ng primetime show.
Hindi
natin maitatangging kahit hindi pa tapos ang teleserye ay
makikita na ang mahusay na pagsasakontemporanyo nito. Pareho pa rin naman ang
tema ngunit may mas matibay na paglalarawan na ang mga tauhan kumpara sa dati.
|
||||||||
Kung
si Claudia noon ay sadyang isang social climber lamang talaga at walang
maayos na dahilan kung bakit, ngayon pinakita na ang kaniyang nakaraang
siyang naging dahilan ng pagiging sakim at pagkakaroon niya ng masamang ugali.
Sa halip rin na isa na namang hamak na katulong si Amor sa pamilya Buenavista ay
naging isa siyang kusinerang nangangarap maging nars upang maging angkop na rin
sa makabagong panahon ang mga karakter. Isa siyang babaeng may mga pangarap sa
buhay na gustong gawin ang lahat para maabot lamang ang mga ito at para na rin
sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Kung sa lumang bersyon ay nagtrabaho siya sa
club ngayon nama’y isa na siyang OFW at dahil sa kaniyang mabuting puso at
kakayahan ay yumaman siya. Nasasalamin rin sa bagong bersyon ang kalagayan ng
mga OFW kung saan sila’y nahihirapang malayo sa kanilang pamilya at ang
matinding pag-aalalang kanilang nararanasan lalo na kapag may mga balitang
hindi maganda. Mas mabilis na rin ang takbo ng kwento kumpara sa dati. Mas mature
na rin ang role ni Yna at wala na rin ang bahagi ng orihinal na blaangkas
tungkol sa pagpaparamdam ng kaniyang lola. Hindi inibahan ang tema ng PSY
iniayon lamang ang bagong bersyon sa siyang tatangkilikin ng makabagong
henerasyon.
Ang
tinaguriang Teen Queen na si Kathryn Bernardo ang gumaganap bilang Yna
at si Daniel Padilla naman bilang si Joaquin.
9. Agua Bendita
|
Halaw
sa komiks noong 1980 ang Agua Bendita at ginawan na ito noong 2006 ng
teleserye. Ang bersyon noong 2010 ang masasabing nagpakita ng masigasig na
pagsasakontemporanyo.
Sinundan
pa rin nito ang naunang balangkas kung saan ipinanganak na nag-anyong tubig si
Bendita dahil sa pag-inom ng kanilang ina ng agua bendita. Ang kambal niya
namang si Agua ay normal.
Isa sa
mga hilig idagdag sa mga kontemporaryong bersyon ng mga lumang pelikula,
komiks, o serye ay ang love triangle. Dinagdag ito sa 2010 na bersyon ng
Agua Bendita. Tunay na patok ang ganitong klaseng kwento sa mga Pilipinong
manonood.
8.
I Love Betty La Fea
Mula sa http://s305.photobucket.com/user/besheret/media/Betty-banner.jpg.html |
Hango
sa isang serye mula sa Colombia noong 1999 ang I Love Betty La Fea na
pinagbidahan ni Bea Alonzo. Ipinalabas ito sa ABS-CBN noong 2008.
Ang
pagaangkop ng kwento ni Betty sa buhay dito sa Pilipinas ang masasabing
pinakakontemporanyong pagbabago nito. Dinagdagan na lamang ito ng mga iba’t
ibang paniniwala at
motibasyon sa serye. Ito ang dahilan kung bakit tinutukan ito gabi-gabi ng mga
Pilipinong manonood.
7.
Walang Hanggan
Mula sa https://dimensionmagazineph.files.wordpress.com/2012/03/111.png |
Ang Walang
Hanggan ay hango sa pelikula nina Dawn Zulueta at Richard Gomez noong
1991 na Hihintayin Kita sa Langit. Napag-alamang ang pelikula pala nila ay
base sa nobela ni Charlotte Bronte na Wuthering Heights.
|
Bilang
teleserye ay pinahaba ang kwento ng Walang Hanggan at maraming dinagdag sa
orihinal na kwento ng pelikula tulad ng mas malupit na kaganapan sa pagitan ng
pangunahing love triangle na ginampanan nina Julia Montes, Coco Martin,
at Paolo Avelino.
6.
Maria Flordeluna
Base
sa isang serye sa radyo na isinulat ni Marcos Navarro Sacol noong dekada ‘70
ang unang bersyon nito sa telebisyon na lumabas naman noong dekada ’80 na
pinagbidahan ni Janice de Belen. Flordeluna pa lamang noon ang pamagat ng serye.
Sa makabagong bersyon na pinalabas noong 2007 ginawa ng Maria Flordeluna ang
pamagat at pinagbidahan ito ni Eliza Pineda.
Kung
sa lumang bersyon ay buhay ang bida hanggang sa wakas sa bagong bersyon naman
nito ay namatay na si Flor. Ang pagkamatay ni flor ang naging susi sa tuluyang
pagbabago ng mga masasamang tauhan o kontrabida.
Bago
na rin ang rason ng pagkamatay ng kaniyang ina. Sa halip na dahil ito sa isang
malubhang sakit ay nangyari na ito ngayon matapos barilin ng mga kalaban ng
kaniyang asawa.
Iba na
ang dating ng bagong bersyon. Binigyan niya ng ibang kulay ang tipikal na
inaaping karakter ng bida. Naging mas makabago ito na siyang nakasasalamin sa
takbo ng pag-iisip ng bagong henerasyon. Oo nga’t naaapi pa rin sila ng
kaniyang nakababatang kapatid ngunit kung sa tingin niya’y sobra na hindi siya
matatakot ipaglaban ang kanilang karapatan.
Pagmamahal
at pagpapahalaga pa rin sa pamilya ang tema ng teleserye na siyang ipinamalas
ng bida.
|
|||
5. Annaliza
Kinikilalang
“most popular and well-loved drama series of all time” ang Anna liza na unang
pinalabas noong 1980 sa GMA. Pinagbidahan ito ni Julie Vega. Naisabuhay niya
ang inosente at dalisay na karakter ni Anna liza na naging dahilan ng
pagtangkilik ng mga manonood ng teleserye.
Noong
2013, muli namang isinabuhay ng ABS-CBN si Annaliza sa katauhan ni Andrea
Brillantes na ngayo’y isa na sa mga pinakapopular na batang aktres sa bansa.
Ayon
sa direktor ng unang Annaliza na si Direk Gil Soriano ang orihinal sanang wakas
nito ay ang pagmamadre ni Annaliza bunga ng pagiging martir niya(anyo ng
pagmamartir ang pagtitiis niya sa kaniyang paghihirap) at pagiging masiyadong
dalisay para sa mundo. Dito sa bagong bersyon nagwakas ito sa kasal nina Isabel
at Guido kung saan masaya na ang lahat at mamumuhay na silang lahat ng masaya't
tahimik.
Naaangkop
na rin ang tema ng makabago sa kasalukuyang panahon dahil kung noon
mangilan-ngilan lamang ang insidente ng pagnanakaw ng bata ngayon ay isyung
panlipunan na ito. Pinaghalo na ang mga isyung panlipunan sa personal na isyu
ng mga tauhan sa bagong serye. Nariyan na ang personal na isyu nina Guido,
Stella at Makoy sa estado ng kani-kanilang buhay, ang pang-aabuso sa mga bata
at “pambubully.”
Bunga
ng pagsasakontemporanyo ang modernisadong tema at mga isyung panlipunang
sinasaklaw ng modernong Annaliza.
4.
Bituing Walang Ningning
Mula
sa Pelikula noong 1985 ni Sharon
Cuneta ang SineSerye ng ABS-CBN na pinagbidahan naman ni Sarah Geronimo noong
2006.
Sa
orihinal, ang kasintahan ni Laviña na si Nico ay simpleng nahulog ang loob
kay Dorina, ngunit sa sineserye ng ABS-CBN ginamit din ang atensyon niya kay
Dorina bilang isang paraan nang paghihiganti kay Lavinia.
|
3. Mara Clara
Mula sa https://pbs.twimg.com/profile_images/1158787107/71952_165254123502499_149450308416214_428146_1602859_n.jpg |
Ang
orihinal na teleserye ay umere mula 1992 hanggang 1997 at ang bagong teleserye
naman ay ipinalabas noong 2010-2011.
Ang
isang tatak na pagbabago sa 2010 na bersyon ng Mara Clara ay ang paggamit ng
makabagong panahon at mga teknolohiya nito. Naging paraan ito ng pagbibigay ng
bagong anggulo sa karakter nina Mara at Clara. Maaring mas malupit nga si Clara
(Gladys Reyes) kay Mara (Judy Anne Santos- Agoncillo) noon, ngunit umangkop
naman sa panahon (2010) ang bersyon nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
2.
Patayin sa Sindak si Barbara
1978
nang unang pinalabas sa takilya ang Patayin Mo Sa Sindak si Barbara. Hango sa
pelikulang ito ang Sineserye (Susan Roces Film Collection) noong 2008 na pinagbidahan ni Kris Aquino.
Sa
kontemporaryong bersyon ng Patayin Mo Sa Sindak si Barbara, pinalitan
na ang pamagat nito. Ginawa nang
Patayin sa Sindak si Barbara. Isa sa mga paraan nang pagsasakontemporaryo ng
direktor nito ay ang pagdagdag ng mga bagong tauhan at pagpasok ng mga “spirit
questors."
Binigyan
din ng “love triangle” ang mga bagong tauhan. Dinagdagan din nila ng
mga elemento ng komedya ang serye. Ginawa nila ang mga ito para sa mga
nakababatang manonood.
Tagumpay ang bagong bersyon dahil mabisa
ang mga elementong dinagdag sa pang-aakit ng mga manonood at lalong-lalo na
sa paglilikha ng kuryusidad sa isipan ng mga tao.
|
1.
Dyesebel
|
Mula
sa mga komiks ni Mars Ravelo noong 1952 hanggang 1953 si Dyesebel at pagkatapos
niyang maging patok ay hindi na natigil ang paglabas ng iba't iba nitong
bersyon.
Kahit
na marami ng bersyon ng Dyesebel ang nagkalat sa industriya ng showbiz sa
Pilipinas ay masasabing hindi pa rin nagsasawa ang mga Pilipino rito.
Nagpakita
ng mga pagbabago sa balangkas ang Dyesebel na pinagbidahan ni Anne Curtis. Isa
na dito ang pagbibigay tanaw sa pagsisimula ng pag-iibigan ng isang tao at sireno. Sa orihinal din na bersyon ay ang ina
ni Dyesebel ang sirena at hindi ang kanyang ama. Hindi rin alam nito na siya ay
isang sirena dahil nawala ang kaniyang mga alaala.
Maituturing
na pinakamalaking pagsasakontemporaryo ang pagdadagdag ng kuwento ng mga ibang
tauhan at ng mismong sitwasyon dahil tinatalakay nito ang mga makabagong isyung
panlipunan. Hindi lamang pagbebenta ni Dyesebel sa circus ang tinalakay,
kung hindi pati ang hindi tamang paraan ng pangigisda at ang pagpasok ng
siyentipiko imbis na sa circus lamang idinala at pinagpiyestahan si
Dyesebel.